Resolusyon, plano at mga pangarap

Bagong taon na kaya ang bukam-bibig ng karamihan ay “New Year’s resolution”. Kahit di ako gumagawa ng New Year’s resolution, sa taong ito ay may mga plano ako na gusto ko sanang masimulan. There’s no time like the changing of the calendar to make you reflect on what has happened in the past and where you want to be in the future.

So eto ang gusto ko sanang ma-achieve sa taong ito. Fingers crossed, hehe…
1. Make a budget and stick by it. Mahirap gumawa ng budget ha, sinubukan ko gumawa ng budget at sundan yun ng nakaraang 3 buwan pero kulang pa sa practice. Marami pa ring expenses na hindi ko na isasama o kulang ang naa-allot kong percentage.

2. Finally study .NET technologies, particularly ASP.NET. Hopefully get a certification in the process. Last year ko pa plano to kaso syempre nakakatamad mag-aral kaya hanggang ngayon wala pa ring nangyayari.

3. Magpapayat. One of the most common resolutions this time of the year is to lose weight. Well, although I didn’t really indulge in holiday over-eating, the sedentary life of a cubicle dweller is starting to show in my waistline. Kahit sabihin pa ng mga kaibigan ko nung college na mas mapayat pa nga ako ngayon kaysa nung nasa university kami, alam ko pa ring kailangan nang magsimulang mag-exercise. Sa huli, mas alam ko naman dapat kung kailangan ko nang maghinay-hinay sa pagkain dahil sa patong-patong ko nang taba!

Marami pa akong gustong isama sa listahan pero tama na muna siguro yan para sa isang taon. Mahirap naman mangarap ng sobra sobra at baka maunsyami lang lahat. Ang bagong taon daw ay nagdadala ng bagong pag-asa kaya eto, ako’y umaasa na magawa kong lahat yan. Bakit, libre naman umasa di ba?

Advertisements
Published in: on January 6, 2005 at 1:48 am  Leave a Comment